Chinese envoy umiwas nang magsalita sa isyu ng EDCA, OFWs
Umiwas nang magkomento si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isyu ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at sa isyu ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan.
Nitong Miyerkules ay dinaluhan ni Ambassador Huang ang pagdaraos ng International Chinese Language Day kung saan binigyang-diin niya ang magandang relasyon ng Pilipinas at China.
Hindi na sinagot ng Chinese envoy ang mga tanong ukol sa backlash nang kaniyang naunang pahayag na bumabatikos sa expanded access na ibinigay ng bansa sa Estados Unidos sa pamamagitan ng apat na bagong sites para sa implementasyon ng EDCA at posibleng epekto nito sa libu-libong OFWs sa Taiwan.
Sa statement na inilabas ng Chinese Embassy, nilinaw nitong misquoted lamang si Ambassador Huang.
Nagpasalamat naman ang Chinese envoy sa Department of Education (DepEd) at sa mga eskwelahan sa bansa na sumusuporta sa pagtuturo ng Chinese language.
“We appreciate all the efforts by the Department of Education, by all the schools who have been extending support to Chinese language teaching, thank you so much“.
“And as I’ve said to those boys and girls, the China-Philippine friendship, (has lasted) for centuries if not (millennia), and friendship should be cherished,” pahayag pa ni Huang.
Madelyn Moratillo