Chinese national na suspek sa pagri-recruit ng mga retirado at aktibong sundalo sa social media, arestado – DICT

Courtesy: DICT

Inanunsiyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang pagkakahui ng mga awtoridad sa dayuhan na nasa likod ng pagri-recruit sa mga aktibo at retiradong military personnel sa social media.

Ayon kay DICT Undersecretary for Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy, ang suspek ay nakilalang si Binbin Fang alyas Robin na isang Chinese national.

Una nang nadiskubre noong Abril ang pekeng social media post na nag-aalok ng malaking halaga ng bayad sa mga aktibo o retiradong sundalo para maging military consultant.

Sinabi ni Dy, “Nakita nyo kanina yung post, claiming ang name Janes Consultancy, it was fake, western sounding, there was one pa nga ang pangalan Oxford Consulting, marami po ito, there was really deception.”

Ang 39-anyos na suspek ay naninirahan sa Makati City at maraming taon nang ilegal na nagtatrabaho sa bansa.

Ang suspek ay naisa-ilalim na ng inquest proceeding sa Department of Justice (DOJ).

Magpapatuloy naman ang imbestigasyon at operasyon sa mga posibleng kasabwat ni alyas Robin, na itinuturo ng suspek na nag-utos sa kaniya at sa iba pa na nasa likod ng fake recruitment posts.

Ayon pa kay Dy, “Yes may tinutukoy siya na alyas Nancy na nag-uutos sa kaniya magpost. When he was informed he was possibly doing espionage work, he said no no no inutusan lang akong magpost. There will be follow-up operations regarding this alyas if he or she is a Filipino or a Chinese national or any foreign entity.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *