CJ Peralta,tinalakay ang mga Internal rules ng Judicial integrity sa mga mahistrado ng CA, CTA at Sandiganbayan
Nagsagawa ng hybrid lecture si Chief Justice Diosdado Peralta kaugnay sa organizational structure at operational rules ng Judicial Intergrity Board o JIB.
Ang JIB ang aaksyon sa mga reklamo laban sa mga tiwaling justices, hukom, opisyal at kawani ng hudikatura para mapalakas ang integridad at maiwasan ang kurapsyon sa hudikatura.
Dinaluhan ang virtual lecture ng mga mahistrado ng
Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.
Si retired Supreme Court Associate Justice at Philippine Judicial Academy Vice Chancellor Romeo Callejo, Sr. ang itinalagang JIB Chairperson.
Una nang pinagtibay ng Korte Suprema noong Disyembre ng nakaraang taon ang binuong internal rules ng JIB.
Moira Encina