‘Clash of the Titans’ sa French Open

In this file photo taken on October 11, 2020, Spain’s Rafael Nadal (R) and Serbia’s Noval Djokovic at the men’s final at the Roland Garros 2020 French Open tennis toirnament in Paris © Anne-Christine Poujoulat, AFP

PARIS, France (AFP) – Muling maghaharap sa ika-58 pagkakataon si Novak Djokovic at Rafael Nadal, sa kaparehong Presse court kung saan sila unang nagharap 15-taon na ang nakalilipas para paglabanan ang French Open final title.

Itinuturing itong “tennis’ greatest modern rivalry” sa pagitan ng dalawang manlalaro, na mayroong 38 Grand Slam titles at 72 Masters.

Si Djokovic ang pinakamatagal na naging world number one, habang ang 13-time French Open winner na si Nadal ay hindi nawala sa top 10 sa nakalipas na 16 na taon.

Si Nadal ang nakikitang paboritong manalo sa semi-final, dahil sa record niya ng 105 panalo at 2 lamang talo sa kaniyang Roland Garros career.

Lamang din ang 35-anyos kaysa kay Djokovic pagdating sa clay court, kung saan mayroon itong 19-7 career lead at 7-1 sa Paris.

Si Nadal ay hindi pa natalo ni Djokovic sa clay court simula noong 2016 sa Rome.

Gayunman, maipagmamalaki ni Djokovic na isa siya sa tanging dalawang lalaking nakatalo kay Nadal sa Paris, sa quarter-finals noong 2015.

Ayon kay Djokovic . . . ” It’s a well-anticipated semi-final and here we are. We had some battles over the years on this court.”

Si Djokovic ay tinalo ni Nadal sa straight sets sa final ng nakaraang taon, na ikatlo nang pagkatalo ng Serbian sa Spaniard, sa championship match sa Paris.

Kung mananalo si Djokovic, ay iyon na magiging ika-19 niyang Slam title at magiging kauna-unahan siyang manlalaro na dalawang ulit na makakakuha ng lahat ng apat na Slam titles, mula nang makuha ito ni Rod Laver noong 1969.

Kung susuwertihin namang manalo ni Nadal, magbibigay iyon sa kaniya ng record-setting 21st major, na magbi-break sa tie nila ni Roger Federer.

Dagdag pa ni Djokovic . . . “The vibes are different walking on the court with him, but that’s why our rivalry has been historic.”

@ Agence France-Presse

Please follow and like us: