Closing rites ng 18th Asian Games, naging makulay kahit malakas ang buhos ng ulan
Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, hindi napigilan ang pagsasagawa ng makulay at engrandeng closing ceremony ng 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Suot ang mga poncho, nagmartsa ang libu-libong mga atleta sa Gelora Bung Karno stadium sa pagsasara ng continental multi-sport event na tumagal ng dalawang linggo.
Bagbigay-kulay sa seremonya ang hip hop act na ikon at ang K-Pop stars na Super Junior.
Bumandera rin ang mga Indonesian performers, tulad ng sikat na singers doon na sina Isyana Sarasvati, BCL, Siddharth Slathia at rapper na si JFlow.
Nagsilbi naman bilang flag-bearer ng Pilipinas ang nagdala ng ikaapat na ginto ng bansa na si Margielyn Didal ng skateboarding.
Samantala, sa ika-10 pagkakataon ay muling dinomina ng China ang medal table ng Asiad kung saan nag-uwi ito ng 132 gold.
Inokupahan ng Japan ang second spot sa kanilang 75 golds, habang may 49 naman ang South Korea.
Mula sa Jakarta, dadalhin ang susunod na Asiad sa Hangzhou, China sa taong 2022.
==================