Code of conduct sa South China Sea posibleng matapos na sa ilalim ng Philippine leadership

Inaasahang matatapos na ang code of conduct sa South China para sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations at China. Sa ilalim ito ng kasalukuyang leadership ng ASEAN na chairman ang Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Acting Spokesman Robespierre Bolivar  tumataas ang level of confidence ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa liderato ni Pangulong Duterte kaya positibong matatapos ito ngayong 2017.

Nakatakdang mag-meeting muli ang joint working group sa Bali at Siem Reap para talakayin ang franework agreement.

Kasama sa ikinukonsidera sa pagbuo ng agreement ang naging ruling ng United Nations Tribunal at idineklara na ang pinag aagawang isla o ang West Philippine Sea ay bahagi ng martime zone ng Pilipinas.

Ulat ni : Mean Corvera              

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *