College of the Holy Spirit-Manila tigil operasyon na simula sa 2022
Inanunsyo ng College of the Holy Spirit-Manila na simula sa 2022 ay titigil na ang kanilang operasyon.
Sa isang statement, sinabi ng pamunuan ng paaaralan na pagkatapos ng academic school year 2021-2022 ay boluntaryo na nilang ihihinto ang kanilang operasyon.
Ito ay upang mabigyan rin umano ng pagkakataon ang mga nasa Grade 11 at 3rd year college students na maka-graduate muna.
Dahil rito, ang magiging operational na lamang ay ang Grade 12 at 4th year college.
Habang ang Levels K to Grade 11 at 1st hanggang 3rd year college naman ay hindi na magbubukas para sa academic school year 2021-2022.
Tiniyak naman ng pamunuan ng paraalan na tutugunan nila ang commitment sa kanilang stakeholders sa harap na rin ng kanilang nakatakdang pagsasara.
Sa naunang pahayag, una ng sinabi ng pamunuan ng eskwelahan na ang kanilang tigil operasyon ay kasunod na rin epekto ng COVID-19 pandemic at iba pang factors gaya ng kumpetisyon sa matrikula mula sa ibang eskweluhan at pagtaas sa sweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Madz Moratillo