Colostrum, o unang gatas ng ina, inihalintulad sa bakuna…samantala, Suddent Infant Syndrome na maaaring ikamatay ng bata, nahahadlangan ng gatas ng ina -ayon sa eksperto
Marami nang kaalaman tungkol sa benepisyong dulot ng gatas ng ina o breastmilk.
Ngayong buwang ito ay ginugunita ang National Breastfeeding Awareness month.
Ayon kay Ms. Abby Co, Presidente ng Breastfeeding Pinay, mahalagang malaman ng mga ina lalo na ang mga bagong nanay pa lang ang tungkol sa napadaming benepisyong pangkalusugan na dulot ng breastmilk sa kanyang sanggol.
Lingid sa kaalaman ng marami nating mga kababayan, ang unang “bakuna” na magpo protekta sa sanggol laban sa mga uri ng sakit na maaaring dumapo sa kanya ay makikita sa gatas ng ina.
Ito ang tinatawag na Colostrum.
Sinabi ni Ms. Abby na napakayaman sa sustansiya ng Colostrum at pinoprotektahan nito ang tiyan ng sanggol sa mga bacteria na maaaring pumasok dito.
Ms. Abby Co, President, Breastfeeding Pinay:
“Mahalagang – mahalaga ang pagpapasuso sa mga bata, unang una ito ay ang perfect na pagkain para sa kanila, ito ang nagbibigay ng perfect, sapat na nutrisyon para sa mga bata, ito rin ay una nilang bakuna kasi ito ay nagbibigay ng gamot para sa kung anong sakit nila, dahil ang breast milk ay naglalaman ng anti bodies na lumalaban sa bacteria at virus tinutulungan talaga ng breastmilk na makalaban sa lahat ng ito at ang breastfeeding din ay nakakababa ng risk ng sids, yun yung sudden infant deaths syndrome, so pag ikaw ay nagpa breasfeed mas mababa ang risk na mangyayari ito sa inyong anak. So, ang breastfeeding talagang gift of life.”
Dagdag pa ni Ms. Abby, hindi naman ibig sabihin na hindi magkakasakit ang mga bata, ngunit mas mabilis silang gumaling, at kung dapuan nman sila ng karamdaman, mas kinakaya nila dahil sila ay mga breastfed baby.
Ulat ni Belle Surara