Comelec at Commission on Filipino Overseas (CFO), Lumagda sa Memorandum of Agreement
Bilang bahagi ng kanilang inisyatiba para makahikayat ng mas maraming pinoy abroad na bumoto sa halalan, lumagda sa isang kasunduan ang Commission on Elections at Commission on Filipinos Overseas.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement ay magkakaroon ng Local Field Registration Center ang Overseas Voting Local Field Registration Center sa tanggapan ng CFO.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, malaking bagay ang mga ganitong kasunduan lalo na at may isang milyon silang tinanggal sa voters list matapos madiskubreng hindi nakaboto ng magkasunod na halalan.
Ang overseas voter registration para sa 2025 midterm elections ay nagsimula noong Disyembre ng nakaraang taon at tatagal hanggang sa Setyembre ng 2024.
Umaasa si Garcia na kahit maka dalawang milyon man lang silang overseas voter na magpaparehistro.
Noong 2022, sa 1.6 milyong registered overseas voter ay 33 percent lang aniya ang nakaboto.
Madelyn Villar – Moratillo