Comelec at DICT pumirma sa MOA para sa online services ng poll body
Lumagda sa isang memorandum of agreement ang Commission on Elections at Department of Information and Communications Technology.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang DICT ang tutulong sa Comelec para sa iba’t ibang online services gaya ng precint finder, registration verification, 2022 election results website at online voter certification application.
Ang DICT rin ang mapoprovide ng digital signature para sa miyembro ng board of election inspectors at board of canvassers.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, ito ang kauna unahang halalan na gagamit ng digital signature.
Tiniyak naman ni Pangarungan na walang dapat ipangmba ang publiko dahil kahit na ang DICT ang host ng kanilang online services mananatili parin namang naka encrypt ang personal data at information ng registered voters.
Madz Moratillo