Comelec binura na ang database sa National Printing Office
Binura na ng Commission on Elections ang lahat ng kanilang files sa database sa National Printing Office.
Ang server o database ng Comelec ay nakakonekta sa NPO na siyang nag- imprenta ng lahat ng mga balota na ginamit sa katatapos na eleksyon nitong Mayo.
Ayon sa Comelec, aabot sa 1,648 na mga ballot faces ang kanilang binura para sa may 1, 648 na mga polling precints sa buong bansa.
Hudyat ito na tapos na ang panahon ng eleksyon at kanilang trabaho sa NPO.
Sisimulan na rin ang pagpupull out ng kanilang mga gamit tulad ng papel at babakantehin na ang NPO para magamit naman sa ibang proyekto.
Tiniyak ng Comelec na may kopya sila ng mga binurang data na ilalagay sa archive ng komisyon.
Sa ngayon sinabi ng Comelec, sisimulan naman nila ang paghahanda para sa pagdaraos ng Baranggay elections sa Disyembre ngayong taon.
Pero wala pang itinakdang petsa para sa pagpaparehistro ng ating mga kababayan na hindi nakaboto nitong Mayo.
Meanne Corvera