Comelec, DSWD at DILG lumagda sa kasunduan kaugnay ng nalalapit na halalan
Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Commission on Elections, Department of Social Welfare and Development at Department of the Interior and Local Government para sa isinusulong na political neutrality kaugnay ng nalalapit na May 9 elections.
Ang MOA na ito ay reimplementation ng 2013 tripartite agreement sa pagitan ng mga nasabing ahensya.
Kabilang sa kanilang objective ay makabuo ng karagdagang guidelines para masiguro na hindi magagamit ng mga kandidato ang implementasyon ng mga programa at serbisyo ng bawat ahensya, gaya ng DSWD sa panahon ng kampanya.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, bubuo rin ang ahensya ng technical working groups na tutugon sa ilang election incidents.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa DSWD at DILG dahil ang patas na halalan aniya ay ang pagsiguro na hindi magagamit ang makinarya ng gobyerno para sa political interest ng ilang kandidato.
Madz Moratillo