Comelec handa na sa gagawing plebisito sa Carmona, Cavite
Kasado na ang preparasyon ng Commission on Elections para sa gagawing plebisito sa Carmona, Cavite bukas, Hulyo 8.
Una rito nagsagawa ng Joint Security Command Conference ang Comelec katuwang ang iba pang law enforcement agencies para matiyak ang seguridad ng lahat sa gagawing plebesito.
Nasa Carmona rin ngayon ang mga opisyal ng poll body para mag-ikot sa mga voting centers .
Muli namang hinikayat ni Comelec Chairman George Garcia ang mga residente roon na lumabas at bumoto.
Magsisimula ang plebesito sa Sabado ng ala-7 ng umaga at magtatapos ng alas- 3 ng hapon.
Ang plebisito ay para sa rapitikasyon ng RA 11938 o na layong maging isang component city ang Carmona.
Una rito, nagpatupad ng gun ban ang Comelec sa Carmona noong June 8 na magtatapos naman sa July 15.
Sa datos ng COMELEC, nasa 59,691 ang rehistradong botante sa 14 na barangay sa Carmona na inaasahang lalahok sa botohan.
Madelyn Villar- Moratillo