Comelec handa pa ring magsagawa ng halalan para sa Barangay at SK ngayong taon
Kahit may batas na para sa postponement, tiniyak ng Commission on Elections ang kahandaang magsagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre ng taong ito.
Ito ang iginiit ni Atty. John Rex Laudiangco kasunod ng inihaing petisyon sa Korte Suprema ma kumukwestyong sa postponement ng BSKE.
Ayon kay Laudiangco, kahit na gawin ang halalan ngayong darating na Disyembre o sa Oktubre ng susunod na taon , handa ang poll body rito.
Tiniyak ng opisyal na anumang maging desisyon ng Korte Suprema ay handa silang sumunod.
Una rito, sinabi ng poll body na kahit naipagpaliban na, hindi sila titigil sa mga preparasyon para sa BSKE gaya ng pag imprenta ng mga balota at pag-award ng mga kontrata.
Hindi naman aniya masasayang ang mga ito at puwede pang gamitin kahit sa 2023 BSKE.
Madelyn Villar-Moratillo