Comelec, hindi ikinokonsidera ang pagsasagawa ng mall voting
Hindi ikinukunsidera ng Commission on Elections na magsagawa ng mall voting kaugnay ng halalan sa Mayo ngayong 2022.
Paliwanag ni Comelec commissioner Marlon Casquejo, maraming kailangang ikunsidera bago ito maisakatuparan.
Noong 2016 elections naikunsidera daw ito pero marami pa kasing kailangang pag-aralan kaya hindi rin natuloy.
May mga legal issues pa daw kasi sa pagsasagawa ng mall voting na hindi pa malinaw.
Para sa May 9,2022 elections ang paiiralin ng Comelec ay ang regular na proseso kung saan ang mga botante ay nagpupunta sa mga voting center.
Sa kabila naman nito, tiniyak ng Comelec na sisiguruhin nila na sa mga polling center ay may accessible na lugar na ilalaan kung saan pwedeng bumoto ang mga kabilang sa vulnerable population gaya ng mga Senior citizen, Person’s with disabilities at mga buntis.
Madelyn Villar-Moratillo