Comelec, hinikayat ang publiko na samantalahin ang nalalabing araw ng voter registration
Sa nalalabing 6 na araw bago ang deadline ng extended voter registration, hinikayat ng Commission on Elections ang publiko na samantalahin ang pagkakataon at magparehistro.
Ang voter registration ay hanggang sa Oktubre 30 na lamang, o sa araw ng Sabado.
Maging mga dati ng botante pero hindi nakaboto sa 2 magkasunod na halalan ay hinikayat rin ng Comelec na i-reactivate ang kanilang voter registration.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangan lamang maghain ng application for reactivation sa tanggapan ng Comelec kung saan naroon ang isang botante.
Ang voter registration sa Metro Manila; mga bayan ng Alcala at San Quintin sa Pangasinan; Tarlac City, Capac, at Concepcion; Labo, Camarines Sur; Castilla, Sorsogon; Cebu City, Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu Province ay mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am hanggang 7:00 pm at hanggang 5:00 pm naman kapag araw ng Sabado.
Mananatili naman sa dating schedule ang voter registration sa iba pang bahagi ng bansa na hanggang 5:00 pm.
Madz Moratillo