Comelec inilipat ang petsa para sa voter’s registration
Inanunsyo ng Commission on Elections na inilipat nila ang petsa para sa voter’s registration.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sa halip na sa Nobyembre ay sa Disyembre 9, 2022 hanggang Enero 31, 2023 na gagawin ang voter registration.
Ito ay para bigyang daan aniya ang full pilot testing at pagsasagawa ng post activity-assessment ng Register Anywhere Project sa National Capital Region.
Ang Register Anywhere Project na ito ay gagawin sa 5 malls sa NCR tuwing Sabado at Linggo mula December 10, 2022 hanggang Enero 29, 2023 maliban sa araw ng holidays o sa December 24, 25 at 31, 2022, at January 1, 2023.
Sapat na rin umano ang panahon na ito para masigurong may sapat pa silang panahon para sa paglilinis ng Voter’s List.
Nag abiso naman ang Comelec sa mga overseas voter na nais lumahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2023 na may hanggang Enero 31 sila ng susunod na taon para makapaghain ng aplikasyon na mailipat ang kanilang registration record overseas sa lokalidad kung saan sila naroon.
Madelyn Villar – Moratillo