Comelec maglalabas ng exemption order para maipahagi na ng LTFRB ang pondo para sa fuel subsidy sa mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan
Tiniyak ngayon ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Atty. George Garcia na agad na maglalabas ng exemption order upang maibigay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pondo para sa fuel subsidy sa mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakayan.
Sa ambush interview sa mababang kapulungan ng Kongreso matapos ang plenary deliberations sa budget ng Comelec sinabi ni Chairman Garcia na pagbibigyan ang hiling ng LTFRB na exemption order.
Batay sa Comelec resolution number 10944 ipinagbabawal ng poll body ang pagpapalabas at paggastos ng anumang pondo ng gobyerno sa ilalim ng omnibus election code kaugnay ng isasagawang barangay at sanguniang kabataan elections sa October 30 matapos ideklara ang election period.
Ang government fuel subsidy sa pamamagitan ng LTFRB ay naglalayon na tulungan ang mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan sa epekto ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Vic Somintac