Comelec naglabas na ng summons para sa iba pang disqualification petition laban kay dating Senador Bongbong Marcos
Nagpalabas na ng summons ang Commission on Elections kaugnay sa tatlong disqualification petition laban kay Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon na miyembro ng 1st division ng poll body, nakasaad sa nasabing summons na inaatasan nila ang kampo ni BBM na magsumite ng verified answer sa bawat isang petisyon.
Limang araw mula ng matanggap ang summons ang ibinigay na palugit ng Comelec 1st division para maisumite ito.
Itinakda naman ang preliminary conference sa mga nasabing kaso sa Enero 7, 2022.
Ang mga petisyon na ito ay inihain ng grupong Akbayan, Bonifacio Ilagan, dating Partido Federal ng Pilipinas Chairperson retired Gen. Abubakar Mangelen, at iba pa.
Ang petition for disqualifications laban kay Marcos ay may kinalaman sa naging conviction rito ng Quezon City RTC dahil sa hindi nito paghahain ng income tax return.
Madz Moratillo