Comelec nanawagan sa publiko na huwag maniwala sa mga exit poll
Umapila ang Commission on Elections sa publiko na huwag maniwala sa mga kumakalat na exit poll sa social media.
Paliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia, ang tunay na resulta ng halalan ay malalaman pagkatapos pa ng Mayo 9.
Ang overseas voting ay tatagal hanggang sa Mayo 9 kasabay ng halalan sa Pilipinas.
Pagkatapos nito, saka naman ipapadala sa Pilipinas ang election returns mula sa ibat ibang post abroad.
Ayon kay Garcia, isasama na nila ang exit polls sa mga iimbistigahan ng Task Force kontra Fake News.
Para sa May 9,2022 elections, nasa mahigit 1.5 milyon ang rehistradong overseas voters.
Madz Moratillo