Comelec nanindigan na malinis at walang nangyaring dayaan ang midterm election
Nanindigan ang Commission on Elections o Comelec na walang nangyaring dayaan at malinis ang resulta ng katatapos na midterm elections. Itoy matapos maiproklama kanina ang labndalawang senador na nanalo sa katatapos na halalan. Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, may mga nasirang SD cards, ngkulang ang markers at pumalya ang ilang mga vote counting machines pero hindi ito nakaapekto sa resulta ng halalan. Sinabi ni Abas na magsasagawa sila ng post assesment sa mga problemang na encounter sa nakalipas na halalan. Sa ngayon, pinasalamatan ng opisyal ang lahat ng mga mga opisyal at tauhan ng Comelec, mga pulis, militar, guro at iba pang departamento ng gobyerno na tumulong para maging maayos ang eleksyon. Ulat ni Meanne Corvera |
Please follow and like us: