COMELEC pag-aaralan ang mungkahing suspendihin ang Barangay at SK elections sa Negros Oriental
Pag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mungkahing ipagpaliban ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Negros Oriental.
Sa Oktubre 30 ng taong ito nakatakda ang BSKE.
Pero sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na may mga requirements na kailangang magawa bago pasyahang suspendihin ang eleksyon sa lalawigan.
Batay sa Section 5 at 6 ng Omnibus Election Code, ang pagtatakda ng halalan na na-postpone o nagkaroon ng failure of election ay dapat na malapit din sa orihinal na petsa ng eleksyon.
Hindi rin ito dapat lumagpas sa 30-araw mula ng ma-postpone.
Una rito, ipinananawagan ni Senador Francis Tolentino ang postponement ng BSKE sa Negros Oriental dahil sa kasalukuyang sitwasyong pampulitika roon kasunod ng pamamaslang kay Governor Roel Degamo.
Madelyn Moratillo