Comelec , pansamantalang magpapatupad ng Work from home arrangement
Pansamantalang magpapatupad ng Work from home arrangement ang Commission on Elections sa ilan sa kanilang mga tanggapan sa Maynila.
Ayon sa Comelec, kabilang sa mga apektado ay ang kanilang main office, at mga tanggapan ng Regional Election Director for National Capital Region, Region 4A at Region 4B maging Office of the Election Officer ng Maynila.
Kasunod ito ng mga isasarang kalsada kaugnay ng inagurasyon ni President elect Bongbong Marcos sa Huwebes.
Ayon sa Comelec ang Work-from-Home schedule ay simula ngayong araw hanggang bukas habang sa Huwebes naman, Hunyo 30 deklaradong special non working day sa Maynila.
Habang sa main office naman ng Bureau of Immigration ay pinaiiral simula kahapon ang skeletal system.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, wala pang tatlong kilometro ang layo ng kanilang main office sa National Museum kaya siguradong apektado sila ng road closures.
Tiniyak naman ng Pamunuan ng Comelec at BI na hindi apektado ang kanilang trabaho sa kabila nito.
Madelyn Villar – Moratillo