Comelec , pinaghahandaan na ang Barangay at SK Elections
Matapos ang matagumpay na May 9 National and Local elections, abala naman ngayon ang Commission on Elections para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang nasabing halalan ay nakatakdang gawin sa Disyembre 5.
Ayon kay Acting Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ilan sa pinagkakaabalahan ngayon ng poll body ay ang pagdraft ng mga resolusyon kaugnay ng Brgy at SK polls.
Mga proseso para sa procurement ng mga kinakailangang para sa official ballots at iba pa.
Muli rin aniyang pinag-aaralan ng poll body ang mga Health Protocol na paiiralin at ang pagpapatuloy ng paglalagay ng Isolation Polling Places.
Sa Hulyo muling ipagpapatuloy ng Comelec ang Voter Registration, ang tentative date ay mula Hulyo 4 hanggang 30.
Pero kailangan pa aniya itong maaprubahan muna ng Comelec en banc.
Nasa 66.05 milyong rehistrado ang target ng Comelec para sa Barangay Elections habang 23.05 milyon naman sa Sangguniang Kabataan Elections.
Madelyn Villar – Moratillo