Comelec, pinaglalatag ng programa sa posibleng brownout sa eleksyon
Pinaglalatag ni Senatorial candidate at Sorsogon Governor Francis Escudero ang Commisison on Elections ng contingency plan sakaling mawalan ng kuryente sa May 9, 2022 elections.
Sa harap ito ng ulat ng Department of Energy na kapos ang suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init kaya hindi malayong magkaroon ng mga power interruption sa araw ng halalan.
Ayon sa DOE, tinatayang nasa 12,387 megawatts ang magiging peak ng demand ng kuryente sa Luzon region pa lamang.
Pero ayon sa opisyal, dapat maging maagap na ang Comelec dahil nakadepende sa suplay ng kuryente ang election automation.
Importante aniya sa poll body na magpakita ng plano tulad ng paglalagay ng mga generator set at transmission device dahil libu-libong vote counting machines ang gagamitin sa araw ng eleksyon.
Meanne Corvera