Comelec, sinisingil na ng mga guro na nagtrabaho noong Barangay at SK elections
Itinanggi ng grupo ng mga teacher ang sinabi ng Comelec na naibigay na sa mga guro ang mga honararia at travel allowance ng mga nagsilbing electoral boards sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sinabi ni Benjamin Valbuena, Presidente ng Alliance of Concerned Teachers, o ACT, nagsisinungaling ang Comelec sa sinabi nito na nabayaran na ang mga teacher na nagsilbi bilang miyembro ng Electoral Board.
Kinondena rin ni Joselyn Martinez, ACT-NCR Union President ang palpak na paraan ng Comelec para ingatan at pangalagaan ang kalagayan ng mga guro.
Maraming guro ang nakaranas ng harassment, sobrang pagod, puyat at gutom.
Ayon naman kay Ruby Ana Bernardo, pinuno ng Quezon City Public Schools Teacher Association na wala silang nakuhang tulong mula sa Comelec na ipinangako sa kanila lalo na sa panahon na binabastos, minumura at hinaharass ang mga guro.
==============