Comelec tiwalang hindi maaapektuhan ng Covid-19 ang voter turnout sa 2022 elections
Kumpiyansa ang Commission on Elections na hindi maaapektuhan ng kasalukuyang Covid-19 Pandemic ang voter turnout sa May 2022 National and Local Elections.
Inihalimbawa ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang ginawang plebisito sa Palawan noong Marso kung saan 60% ang voter turnout sa kabila ng nagpapatuloy na Pandemya.
“The COMELEC remains confident of a sizable voter turnout despite COVID fears. This projection is borne out by international experience—most, if not all, elections in other jurisdictions showed a higher than average voter turnout—and local experience in the Palawan Plebiscite last March 2021.” — James Jimenez.
Reaksyon ito ng Comelec sa babala si Senador Juan Miguel Zubiri na maaaring bumaba ang bilang ng mga boboto sa 2022 kung magpapatuloy ang banta ng COVID-19.
Isa sa malaking hamon sa Comelec ay ang masigurong maiiwasan ang dagsa ng tao sa mga voting centers sa araw ng halalan.
Kaya naman pinag-aaralang mabuti ng Comelec ang magiging schedule ng pagboto at ratio sa bawat polling place para maiwasan ang siksikan.
Kung sakali, sinabi ni Jimenez na hindi naman ang voter turnout ang magde-determina ng validity ng halalan.
Pero, makakaasa aniya ang publiko na pinag-aaralan mabuti ng Comelec ang lahat upang masigurong magiging ligtas ang gagawing halalan sa 2022.
“The COMELEC greatfully acknowledges Senator Zubiri’s becoming concern and assures the distinguished Senator and the Filipino people that all necessary steps to ensure the voting public’s safety throughout the 2022 election period, most especially on election day, May 9, 2022, are being undertaken by your Commission on Elections.”– Jimenez
Madz Moratillo