COMELEC, wala pang petsa para sa special election sa Cavite
Bukod sa plebisito at paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay abala rin ang Commission on Elections sa paghahanda para sa Special elections sa Cavite.
Matatandaang nabakante ang puwesto ng kinatawan sa Kongreso ng ika-pitong distrito ng Cavite matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na noo’y Congressman Jesus Crispin Remulla bilang kalihim ng Department of Justice.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, itinalaga na nila si Commissioner. Marlon Casquejo para pamunuan ang Special elections sa Cavite.
Pero pinag-aaralan pa ang ilang bagay patungkol rito gaya ng kung mano-mano o automated ang gagawing halalan.
Sa manual kasi at 76 milyon aniya ang magagastos habang 44 milyon naman kung computerized.
Wala paring itinatakdang petsa ang poll body para sa nasabing special elections.
Vic Somintac