COMELEC,nagtakda na ng petsa para sa mga partylist group na nais magparehistro para sa 2022 elections
Nagtakda na ang Commission on Elections ng petsa para sa mga nais na magparehistro bilang Partylist groups, organization o coalition.
Ito ay bilang bahagi parin ng prepasyon ng poll body para sa May 2022 National and Local elections.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10690 nakasaad na ang deadline sa paghahain ng Petitions for Registration and Manifestation of Intent to Participate ng mga magpaparehistro at existing party-list groups, organizations at coalitions ay sa March 31, 2021.
Ayon sa Comelec ang paghahain ng listahan ng nominees ng bilang Party-List representatives ay dapat na gawin na rin sa nasabing petsa.
Ang deadline naman sa substitution ng Party-List Nominees kung nagwithdraw ang kinatawan ay hanggang November 15, 2021 lamang.
Pero kung ang dahilan ay pagkamatay o incapacity pinapayagan ang substitution hanggang sa araw ng halalan.
Madz Moratillo