Compassionate use ng Ivermectin, inaprubahan ng FDA
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit sa anti-parasitic drug na Ivermectin for Compassionate use bilang panggamot sa Covid 19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, may isang ospital ang nag- aplay para sa compassionate use ng Ivermectin at inaprubahan nila ito ngayong araw.
Pero paglilinaw ni Domingo, iba ang compassionate use permit sa naka- pending pang aplikasyon ng dalawang Local Manufacturers para sa Certificate of Product Registration ng Ivermectin.
Sa ilalim ng compassionate use permit pinapayagan ang paggamit ng gamot.
Pero hindi umano ito nangangahulugan na ginagarantiyahan ng FDA ang safety at efficacy nito.
Habang ang Certificate of Product Registration naman ay pinapayagan ang mga manufacturer na ibenta sa merkado ang gamot at may garantiya mula sa FDA ang kaligtasan at pagiging epektibo nito.
Madz Moratillo