Compliance period sa 7th Mandatory Continuing Legal Education, pinalawig
Extended ng isang taon ang compliance period sa 7th Mandatory Continuing Legal Education.
Sa notice na inisyu ng Supreme Court En Banc, sinabi na pinalawig hanggang April 14, 2023 mula April 15, 2022 ang compliance period sa MCLE.
Walang penalty na ipapataw sa mga abogado na mag-a-avail ng extension.
Pero, obligado sila na magsumite ng kinakailangan documentation gaya ng Attorney’s Compliance Report o Attestation of Exemption sa loob ng 10 araw matapos ang huling araw ng extended period.
Kaugnay nito, pinalawig din ng isang taon ng Korte Suprema ang validity ng certificates of compliance para sa 6th Compliance Period ng MCLE.
Ipinatupad ang MCLE simula noong 2001 kung saan obligado ang mga abogado na dumalo nang hindi bababa sa 36 oras na continuing legal education seminar kada tatlong taon.
Moira Encina