Comprehensive nursing law hiniling sa dalawang kapulungan ng Kongreso na muling pagtibayin
Nanawagan sa mga Kongresista at Senador ang mga nurse advocate na muling pagtibayin sa kongreso ang Comprehensive Nursing Law.
Sinabi ni Dr. Teresita Barcelo, nurse advocate na ang Comprehensive Nursing Law ay napagtibay na noong 16th Congress at nakarating na sa Office of the President para pirmahan subalit vineto o ibinasura ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Barcelo patuloy na hindi nareresolba ang problema sa nursing profession dahil hindi talaga tinutugunan ng gobyerno.
Inihayag naman ni Dr. Carl Balita na isa ring nurse advocate na kailangang pindutin na ang panic button dahil sa mga susunod na araw ay mauubusan na ng nurses ang mga hospital sa Pilipinas dahil sa isyu ng migration dulot ng patuloy na paglabas sa bansa ng mga nurse.
Niliwanag ni Balita ang Pilipinas ang pangunahing supplier ng nurses sa buong mundo subalit patuloy itong pinipirata ng mga mayayamang bansa sa pamamagitan ng mga hindi matatanggihang mga insentibo kaya napipinto ang pagkaubos ng mga nurse sa bansa.
Vic Somintac