Concert film ni Swift nangunguna pa rin, pero ‘Flower Moon’ tumatak sa N.America screens
Namalagi sa top spot sa North American theaters ang bagong Taylor Swift concert movie nitong weekend, ngunit ang history-based crime epic na “Killers of the Flower Moon” ay nagkaroon ng isang kahanga-hangang debut, na itinuturing na ‘the best’ para sa isang Martin Scorsese film simula 2010.
Ayon sa industry watcher na Exhibitor Relations, ang “Taylor Swift: The Eras Tour,” na ipinalabas ng AMC Theaters, ay kumita na ng tinatayang $31 million para sa Friday-through-Sunday period.
Dahil dito ay naitulak ang dalawang linggong kabuuan para sa pelikula sa $129.8 million. Ito na ngayon ang tanging concert film na nanguna sa box office ng dalawang sunod na weekends.
Gayunman, ang bagong pelikula ni Scorsese ay malakas ang naging debut, laluna kung iisipin na ito ay tatlo at kalahating oras, ang upcoming release nito ay sa Apple TV+ at ni hindi ito nai-promote ng mga bidang sina Robert de Niro at Leonardo diCaprio, pero kumita pa rin ng $23-million.
Sinabi ng isang analyst na ang reviews at audience scores ay napakaganda, kung saan inaasahan din na makakukuha ito ng maraming award nominations para sa direktor at cast.