Concert organizer ni Taylor Swift humingi ng paumanhin matapos mamatay ang isang fan sa Rio
Humingi ng paumanhin ang chief executive ng kompanyang nag-organisa ng tour dates ni Taylor Swift sa Brazil, matapos mamatay ng isang tagahanga sa gitna ng heat wave habang nagtatanghal ang pop superstar sa Rio de Janeiro.
Inulan ng fans ng batikos ang organizers na nagsabing hindi sila pinayagang pumasok sa stadium na may dalang water bottles sa concert noong nakalipas na Biyernes, sa kabila ng ang hit index ng araw na iyon ay pumalo na sa 59 degrees Celsius (138 Fahrenheit) sa naturang siyudad.
Isang 23-anyos na tagahanga ang namatay sa gitna ng sold-out crowd ng 60,000 katao.
Sa isang video post sa social media ay sinabi ni Serafim Abreu, head ng Time For Fun, “We recognize we could have taken alternative measures in addition to all those we implemented, such as providing shade in external areas, changing the time of the concerts and emphasizing that fans could enter the stadium with disposable water cups.”
Dagdag pa niya, “I want to apologize to all those who didn’t have the best possible experience, and I’m sending my ‘most sincere condolences’ to the late fan’s family.”
Ayon sa kompanya, ang nabanggit na tagahanga ay agad na inasikaso ng emergency workers matapos na sumama ang pakiramdam nito, pagkatapos ay dinala sa ospital mga isang oras makalipas.
Lumitaw sa isang paunang awtopsiya, na dumanas ito ng isang lung hemorrhage at tatlong heart attacks, ayon sa pahayagang O Globo.
Noong Sabado ay sinabi ni Swift, “I was ‘devastated’ by the death.” Pagkatapos ay ipinagpaliban na niya ang concert na naka-schedule sana noong Lunes ng gabi.
Sinabi pa ni Abreu, “We know that climate change means these episodes will be more and more frequent. The entire concert industry has to rethink how it operates in the face of this new reality.”
Samantala, ang “Eras Tour” ni Swift ay magpapatuloy ngayong linggo sa Brazil, kung saan ang mga concert ay naka-schedule ngayong Biyernes, bukas, Sabado at sa Linggo na lahat ay pawang sa Sao Paulo.