Concession Agreement sa mga Toll operators, posibleng bawiin dahil sa kapalpakan sa RFID

Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian sa mga Toll operators na posibleng bawiin ang ibinigay na Concession agreement ng gobyerno.

Ito’y dahil sa kapalpakan sa implementasyon ng RFID na nagdudulot ng matinding problema sa trapiko.

Hiniling na ng Senador na busisiin ang Concession agreement o kontratang pinasok ng Gobyerno sa mga Toll operators at papanagutin sa mga palpak na RFID sensors.

Kinuwestyon rin ng Senador ang hindi pag-aksyon ng Toll Regulatory Board sa reklamo ng mga motorista.

Batay sa Implementing Rules and Regulations (IRR) na pinirmahan ng TRB noong October 5 sa Department Order no. 2020-12 ng Department of Transportation (DOTr) hinggil sa pagpapatupad ng cashless o contacless transactions, dapat maayos at mabilisang pangongolekta ng toll.

Nakasaad din sa nasabing IRR ang pagpapataw ng parusa sa kumpanya dahil sa hindi pagsunod sa mga polisiya ng TRB.

Meanne Corvera

Please follow and like us: