Confidential at Intelligenge Fund ng Department of Agriculture ililipat ng Senado sa ibang tanggapan gobyerno

Aabot sa 50 million pesos ang pondo CIF ng DA na nakalaan umano sa enforcement at sumuggling

Sa budget hearing sa Senado, inatasan ni Senador Raffy Tulfo ang DA na isurender na lang ang kanilang intel funds o kaya ibigay sa mga ahensyang mas nangangailangan ng pondo

Kabilang na rito ang Philippine Coast Guard lalo ngayong matindi ang problema sa West Philippine Sea

Ayon sa Senador trabaho ng Bureau of Customs o BOC na magsagawa ng mga surveillance sa mga hinihinalang smugglers

Sinuportahan ni Senador Cynthia Villar ang pahayag ni Tulfo

Sabi ni Villar na chairman ng sub committee ng finance, magpapatupad sila ng re-allignment.

Hindi aniya kailangan ng DA ang pondo para tugisin umano ang mga smugglers dahil hanggang ngayon walang nakukulong at napaparusahan

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *