Cong. Dimaporo, dudulog sa Korte Suprema kapag ipinilit ang pagpapalawak ng teritoryo ng Bangsamoro
Nagbanta si Lanao del Norte 1st District Representative Khalid Dimaporo na dudulog sa Korte Suprema para kwestyunin ang legalidad ng Bangsamoro Basic law o BBL.
Ito’y kapag ipinilit na isama sa Bangsamoro region ang 6 na munisipalidad at 39 na mga baranggay sa North Cotabato.
Ayon kay Dimaporo, walang katibayang magpapatunay na ang mga tinutukoy na munisipalidad at barangay ay bumoto para mapasama noon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na siyang pinagbatayan naman ng Bangsamoro transition commission para isama ito sa kanilang teritoryo.
Nangangamba si Dimaporo na oras na maisama ang naturang mga barangay sa mga lugar na kontrolado ng Bangsamoro, mahihirapan na itong pasukin ng mga local government units sakaling dito magkanlong ang mga kriminal o terorista gaya ng nangyari sa Mamasapano.
Ulat ni Meanne Corvera