Cong Teves iniapela sa Timor-Leste ang asylum request –Remulla
Nasa Timor-Leste pa rin umano si Congressman Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, ina-apela ni Teves ang pagbasura ng Timor- Leste sa kaniyang aplikasyon para sa political asylum.
Sinabi ni Remulla ito ang impormasyon na ipinarating sa kaniya ng Embahada ng Pilipinas sa Timor- Leste.
Una rito ay hindi pinagbigyan ng Timor- Leste ang hiling na asylum ni Teves at binigyan ito ng limang araw para umalis ng nasabing bansa o kaya ay iapela ang desisyon.
Sinabi ng kalihim na ang limang araw na ibinigay ng Timor-Leste ay nananatili maliban kung ito ay palawigin.
Hindi na aniya sila magus-sumite ng panibagong pagtututol sa apela ni Teves.
Paliwanag ni Remulla, ang sulat na ipinadala ng DOJ sa Department of Foreign Affairs (DFA) para kontrahin ang asylum request ng kongresista ay isang continuing objection.
Moira Encina