Congestion rate sa Bilibid, bumaba na – BuCor

Nabawasan na ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Catapang, Jr., mula sa 300% na congestion rate sa mga nakaraan ay bumaba na ito sa 150%.

Aniya, “Lumuwag na kasi ang congestion rate ngayon sa NBP maganda na bumaba, 150 na lang dati 300 kakalipat natin ng PDLs at saka tuluy tuloy na to.”

Bukod sa paglipat ng Bilibid inmates sa regional prisons ng BuCor, nakatulong din aniya ang mas mabilis na pagpapalaya sa mga PDL na tapos na ang sentensya.

Nitong Biyernes, kabuuang 81 persons deprived of liberty (PDLs) ang lumaya mula sa Bilibid at iba pang penal colonies ng BuCor.

NBP- 51

CIW- 3

SPPF- 7

IPPF- 14

DPPF- 2

SRPPF- 4

TOTAL: 81

Sa tala ng BuCor mula Hulyo hanggang Agosto ngayong taon, ay 850 PDLs na tapos nang pagsilbihan ang kanilang hatol ang nakalaya na.

Sinabi pa ni Catapang na kaya ng BuCor na maabot ang target nito na mailipat sa regional prisons ang mga PDL sa Bilibid pagdating ng 2028, dahil inaasahan nilang may sapat silang pondo para sa relocation.

Maaaring sa susunod din aniyang taon ay lumagda ng kasunduan ang BuCor para sa pag-upa sa lupa ng Bilibid na mapagkukunan nila ng karagdagang budget.

Ani Catapang, “Oo, kaya. Kaya naman on track kasi this year may support kami sa Congress sa fund nmin sa Senate and next year maganda rin budget, and kung may uupa sa property namin. Ang usapan ay sisiguraduhin na mailipat lahat ng preso.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *