Congressional insertion, pinababawasan upang maipambili ng bakuna
Pinatatapyasan ni Senador Panfilo Lacson sa Department of Budget and Management (DBM) ang bilyun- bilyong pisong Congressional insertions para may pondo ang Gobyerno pambili ng bakuna kontra Covid-19.
Sinabi ni Lacson na maaaring bawasan ng 20 billion pesos ang Ccongressional insertions na minarkahan ng DBM na “for later release”.
Kabilang na rito ang bilyun-bilyong alokasyon sa Department of Public Works ang Highways (DPWH) para sa mga Congressional District o proyekto ng mga Kongresista.
Nauna nang ibinunyag ni Lacson sa budget hearing ng Senado na may isang distritong nakakuha ng 15 bilyong alokasyon sa DPWH, isang distrito ang umabot sa 10 billion habang may distrito ang nakakuha ng 7 billion na isiningit sa Bicam ng budget.
May malalaking halaga ring nailaan sa Department of Education at Department of Transportation na hindi pa nagagamit na maaaring ire-align pambili ng bakuna.
Meanne Corvera