Connected ang ngipin sa pagsasalita
Magandang araw sa inyong lahat! Karagdagang impormasyon ang hatid kong muli sa inyo, usapang oral health .
Alam n’yo ba na ang isang sanggol, once na lumabas ang upper teeth o front teeth niya, saka pa lamang magsisimulang magsalita?
Kung tutuusin, nasa 6 months ay nagsisimulang bumigkas ng paunti-unti ang sanggol . Maririnig mong siya ay nagma-mumble ng pa pa pa o ma ma ma.
Habang nadaragdagan ang ngipin ng sanggol ay saka magsisimulang magsalita. Kaya habang walang ngipin ang sanggol, hindi makapagsasalita .
Kahit naman ang mga matatanda , sina lolo at lola, kapag wala ng ngipin, apektado ang kanilang pagsasalita hindi ba?
Tandaan na sangga ng dila ang ngipin. May singaw dahil walang harang sa harapan. Directly affected ang pagsasalita. Teamwork sina labi, dila, panga at ngipin.
Kahit na nga dalawang ngipin lang sa harap ang wala ay apektado na ang pagsasalita.
Ang role ng front teeth ay para sa pagsasalita o sa speech. Kapag delayed ang tubo ng ngipin, naaantala din ang pagsasalita ni baby.
Ang mga bata na maagang nabulok ang mga ngipin kasi bottle feeding (ngipin ay puwedeng malusaw dahil sa milk), may problema sa pagsasalita.
Sa mga may edad, kung sasabihin na magpapalagay na lang ng pustiso sapat na siguro ito. Ang sagot ko po ay hindi sapat.
Ang kailangan po ay magpacheck. Ang alignment ay mahalaga para maitama ang pagsasalita.
Once na nagpalagay ng pustiso , minsan ang nangyayari ay hindi kasya, o kulang.
Bakit ganito? Dahil sinusundan lang ang shrinkage ng gums kaya affected pa rin ang speech o pagsasalita.
Kaya nga, ang ngipin ay may talk connection.
Sa tuwing may problema sa pagsasalita patingnan din ang ngipin, dapat kasama ito sa evaluation.