Consolidated DQ petitions vs BBM, ibinasura ng COMELEC 1st division
Ibinasura ng 1st division ng Commission on Elections ang consolidated petition na nais madiskwalipika si dating Senador Bongbong Marcos bilang kandidato sa pagka Pangulo ngayong halalan.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesperson James Jimenez.
Ayon kay Jimenez, ibinasura ang petisyon dahil sa kawalan ng sapat na merito.
Ang consolidated petitions na ito ay inihain ng grupong Akbayan at ilang personalidad, Bonifacio Ilagan, at retired Gen. Abubakar Mangelen, na nagpakilalang Chairman umano ng Partido Federal ng Pilipinas.
Wala pa namang inilalabas na kopya ang Comelec patungkol sa resolusyon sa mga nasabing kaso.
Matatandaang naging kontrobersyal ang nasabing kaso matapos akusahan ng nagretirong si Commissioner Rowena Guanzon ang ponente sa kaso at kapwa Commissioner Aimee Ferolino ng pag-antala sa paglalabas ng resolusyon sa kaso.
Pero depensa ni Ferolino, walang nangyaring delay dahil pinag-aaralan lang niyang mabuti ang kaso.
Madz Moratillo