Consular operations ng DFA sa NCR at Bulacan, suspendido sa Agosto 25 at sa buong bansa sa Agosto 28

Nag-abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) na suspendido ang consular operations sa DFA Aseana, sa consular offices at sa temporary off-site passport services (TOPS) sa Metro Manila at sa Bulacan sa Biyernes, Agosto 25.

Ayon sa DFA, alinsunod ito sa inilabas na memorandum circular ng Office of the President kaugnay sa pagsasagawa ng opening ceremonies ng FIBA Basketball World Cup 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang mga aplikante na may apektadong confirmed appointments sa August 25 ay ia-accomodate mula sa August 29 hanggang sa September 25.

Ang TOPS applicants sa NCR at Bulacan ay ia-accomodate sa kanilang supervising consular offices sa mga nabanggit na petsa.

Samantala, inanunsiyo rin ng DFA na suspendido ang consular operations sa buong bansa sa Lunes, Agosto 28 dahil sa paggunita sa National Heroes Day.

Magbabalik ang regular na operasyon at serbisyo sa Lunes, Agosto 29.

Sarado rin ang Passport Releasing Service Center sa Double Dragon Meridian Park sa Pasay City sa August 25 at magpapatuloy na lang sa August 29.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *