Cool maging fan
Lahat siguro tayo ay dumating sa puntong naging isang tagahanga, naging movie fan, hindi ba?
Naalala ko nang makausap natin ang mga k-friend last time.
Ibinahagi nila kung saan nagsimula ang pagkahilig nila sa korean wave.
Nakita ko din ang sarili ko, noong panahon na may hinahangaan akong latino hearthrob, nakapost pa dati sa pader ng kuwarto ko ang poster, hahaha!
Alam n’yo ba na nagkaroon tayo ng pagkakataon na ikonsulta kay Dr. Joan Mae Perez-Rifareal, psychiatrist, kapag sobra ang paghanga ng isang fan sa kanyang hinahangaan.
Ayon kay Dr. Joan Mae ang paghanga sa isang sikat na tao, sports at iba pang bagay, ay nagsisimula sa childhood, pre-adolescent, younger age group.
Ang word na ‘fan’ mula sa word na fanatics, meaning merong active involvement hindi lang paghanga literal na aktibo, talagang nag effort o gumugol ng salapi para mapalapit sa hinahangaan.
Merong psychological basis ang paghanga, personal at social.
Sa personal, humahanga tayo sa isang indibidwal, dahil merong sense of connection.
Pinanggagalingan din ng tinatawag na “ideal figure”.
Paliwanag niya rito, may isang katangiang meron ang hinahangaan na wala sa atin.
Halimbawa nito ay matutong sumayaw, dahil mahusay na dancer ang hinahangaan.
Isang factor na nakabubuti sa atin, ang pagkakaroon ng model, o ‘yung ating hinahangaan.
Nagiging source of inspiration, motivation, nagiging modelo.
Pagdating sa social basis, may connection to larger community or social group.
Dahil sa paghanga, nagkakaroon tayo ng belongingness.
Nagsisilbing ‘safe space’ similar interest, similar hobbies, para sa shared experience.
It also boosts our self-esteem, magandang influence hindi lang sa hinahangaan.
Dinedevelop din ang creativity, they do not feel alone, lumalawak ang prespective.
They feel happy, increase high level of motivation.
Subalit, kailangan nating abantayanan kapag umaabot na sa puntong “extreme” behavior.
Naapektuhan ang financial aspect, walang kontrol sa paggastos.
Bukod pa dito, kapag umaabot sa violent actions, pakikipag-away.
Maging ang obsession, umaabot na sa stalking. Hindi na healthy.
Payo niya, find the balance.
Panghuli, mabuti ang may hinahangaan maraming positive benefits, sa social, psychological at mental health.