Coop Trade Fair and Exhibit, binuksan sa Taguig City
Nakiisa ang lungsod ng Taguig sa pagdiriwang ng National Cooperative Month, sa pangunguna ng Taguig City Cooperative Development Office.
Ang tema ng pagdiriwang ngayon ay “KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-samang Pag-Unlad”.
Ang kooperatiba ay isang samahan ng mga mamamayan na may iisang nais o adhikain, isa na rito ang pagpapalakas ng ekonomiya at sektor ng pangkabuhayan.
Kasabay ng pagdiriwang ang pagpapasinaya sa Coop Trade Fair and Exhibit sa quadrangle ng city hall, kung saan maaaring makabili ng mga sariwang gulay at prutas, jackets, bags, mga kakanin at locally handmade products.
Ang Taguig City ay tahanan ng dalawang pinakamalaking kooperatiba sa bansa, at mayroong higit isangdaang aktibong mga kooperatiba.
Kaugnay nito ay hinihikayat ng mga kinauukulan ang mga taga Taguig na suportahan at tangkilikin ang mga gawa, proyekto at ang kabuuan ng mga kooperatiba.
Virnalyn Amado