Court of Appeals ibinasura ang petisyon na ipahinto ang konstruksyon ng Casino sa makasaysayang Army and Navy Club
Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon na ipatigil ang konstruksyon ng casino sa makasaysayang Army and Navy Club sa Maynila.
Idinismiss ng CA 15th Division ang petisyon ng Volunteers Against Crime and Corruption dahil sa paglabag sa hierarchy of courts.
Ayon sa CA, dapat ay sa Regional Trial Court muna inihain ang petisyon.
Kahit may kapangyarihan anila ang appellate court na maglabas ng writ of certiorari, ito ay pinapayagan lang kung may mabigat na dahilan.
Hindi kumbinsido ang CA na may mabigat na dahilan para hindi sumunod sa hierarchy of courts.
Ang Army and Navy Club ay idineklarang national historical landmark bilang pagkilala sa Filipino-American friendship and cooperation.
Sa kanilang petisyon, iginiit ng VACC na iregular ang isinagawang bidding at pinasok na kontrata ng PAGCOR sa Vanderwood Management Corporation para sa uupahang casino gaming site sa dating army & navy club.
Ulat ni: Moira Encina