Court of Appeals iniutos na ibalik sa puwesto ang dalawang sinibak na NBI officials
Ipinawalang- bisa ng Court of Appeals ang kautusan ni dating Justice Secretary Leila de Lima at ng Office of the President noong 2014 na nagpatalsik sa puwesto sa NBI kina Atty. Reynaldo Esmeralda at Atty. Ruel Lasala.
Sa 24-pahinang ruling ng CA, iniutos na agad na i-reinstate o ibalik bilang deputy directors o NBI Directors III sina Esmeralda at Lasala.
Ayon sa appellate court, iligal ang pagtanggal sa puwesto ng dalawa noong Marso 2014.
Ipinag-utos din ng hukuman na bayaran nang buo sina Esmeralda at Lasala ng back wages, sahod, mga insentibo, benepisyo at iba pang monetary privileges mula nang sila ay sibakin.
Sina Esmeralda at Lasala ay inilagay sa NBI ni dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo pero inalis noong panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Moira Encina