Court of Appeals Justice Jose Reyes Jr. itinalaga bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema
Nakapili na si Pangulong Duterte ng bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ay si Court of Appeals Associate Justice Jose Reyes Jr.
Papalitan ni Reyes sa pwesto si SC Justice Presbitero Velasco Jr na nagretiro noong August 8.
Si Reyes ang ikalimang appointee ni Pangulong Duterte sa Supreme Court.
Nagtapos siya ng abogasya sa San Beda College of Law at pumasa sa bar exams noong 1977.
Itinalaga si Reyes sa Court of Appeals noong 2003.
Bago sa CA, naging hukom si Reyes sa Pasig City Metropolitan Trial Court at Rizal Regional Trial Court.
Isa si Reyes sa mga pinaratangan ni Senador Antonio Trillanes IV na tumanggap ng suhol mula kay dating Makati City Mayor Junjun Binay para pigilan ang prevention suspension order laban sa alkalde.
Siya rin ang sumulat ng CA ruling para bakantehin ng pamilyang Prieto-Rufino ang Mile Long Property pabor sa gobyerno.
Nakatakdang manumpa si Reyes bilang bagong mahistrado ng Supreme Court sa August 13, Lunes.
Ulat ni Moira Encina