Covid-19 active cases sa QC bumaba; Bilang ng mga nakarekober, mahigit na sa 21,000
Bumaba na ang bilang ng mga active cases ng Covid-19 sa Quezon City.
Sa datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 996 na lamang ang naitalang aktibong kaso ng sakit kumpara sa mga nakalipas na buwan na lumalagpas sa 1,000.
Umabot na sa 21, 032 o 93% ang gumaling sa nasabing karamdaman.
Kaugnay nito, kinikilala naman ng QC Task Force on Covid-19 sa pangunguna ni Joseph Juico ang kontribusyon ng lahat ng mga Barangay sa lungsod sa kanilang mga isinasagawang hakbang upang mapigil ang pagkalat ng virus.
Malaki aniya ang naitulong ng CESU at District Health offices upang mapababa ang active cases.
Belle Surara