COVID-19 bivalent vaccine , dadating sa huling bahagi ng Marso 2023
Sa huling bahagi ng Marso inaasahang darating na sa bansa ang 1.2 milyong doses ng COVID-19 bivalent vaccine.
Donasyon ang mga ito ng Covax facility.
Ayon kay Department of Health OIC Ma Rosario Vergeire, dahil sa limitadong doses ang mga nasa A1 o medical frontliners at A2 o senior citizens muna ang prayoridad mabigyan nito.
Sa rekumendasyon ng Health Technology Assessment Council ay A1, A2 at A3 o may commorbidities ang prayoridad mabigyan ng bivalent vaccines.
Una rito, nabigyan na aniya ng Emergency Usec Authorization ng Food and Drug Administration ang bivalent vaccine na ito ng Pfizer.
4 na buwan naman ang inirekumendang interval para sa pagtuturok ng bivalent vaccine.
Madelyn Villar – Moratillo